Tinuligsa ng isang grupo ng mga kabataan ang naging pasya ng Commission on Higher Education (CHED) na ipagpatuloy ang implementasyon ng flexible learning sa mga susunod na taon.
Giit ni National Union of Students of the Philippines Jandeil Roperos, daragdagan lamang ng CHED ang mga problemang pasan ng mga guro at mga mag-aaral sa ilalim ng ‘new normal’.
Sinabi ni Roperos na kung papayagan ito ng komisyon ay posibleng lalo pang lumala ang pinansyal, mental at emosyonal na problema ng mga estudyante.
Samantala, iginiit naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago na may mga guro at mag-aaral na nakakaranas umano ng matinding stress at anxiety dahil sa online learning.