Sinimulan na ng University of the Philippines ang implementasyon ng free college-education kahit pa sa school year 2018-2019 pa ito ipatutupad.
Inanunsyo ni UP President Danilo Concepcion sa isang memorandum na walang kokolektahing matrikula at iba pang bayarin mula sa kanilang mga Pilipinong undergraduate student, epektibo simula ngayong semester.
Ang memorandum PDLC 17-218 ay inilabas alinsunod sa Universal Access to Tertiary Education o Republic Act Number 10931 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyang hindi nangongolekta ang mga State University and College o SUCs ng tuition para sa first semester dahil sa 8 billion pesos na insertion sa 2017 national budget para sa mga SUC.
By Drew Nacino