Ipinagtanggol ni Metro Manila Council at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang implementasyon ng granular lockdown sa ilang bahagi ng National Capital Region.
Ito’y sa gitna ng batikos ng ilang grupo ng mga doktor sa lockdown maging sa panibagong alert level system na sinimulang ilarga kahapon.
Ayon kay Olivarez, bibiglain din ang pagpapatupad granular lockdown dahil mabilis ang pagkalat ng COVID-19 lalo ang delta variant nito.
Iginiit ng Alkalde na maiging sorpresa ang pag-a-anunsyo ng lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Tuwing mag-a-anunsyo anya ng lockdown ay agad nagpupuntahan ang mga residente ng ncr sa kanilang mga kaanak o kaibigan sa labas ng Metro Manila upang makaiwas sa mga restriction.
Sa ngayon ay mayroon ng 2,304,192 COVID cases sa bansa kabilang ang 177,946 are active cases.—sa panulat ni Drew Nacino