Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na babantayan ang implementasyon ng Kaliwa Dam project kasunod ng paggawad dito ng Environmental Compliance Certificate (ECC).
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, anomang paglabag at hindi pagsunod sa inilatag na kondisyon ng gobyerno ay magreresulta ng kaselasyon ng kanilang ECC.
Aniya, inaasahan nila ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), bilang nangunguna sa naturang proyekto, na ang lahat ng magiging aktibidad ay environmentally at socially sound and sustainable.
Ang multi- bilyong pisong halaga ng Kaliwa Dam ay itatayo sa kahabaan ng Rizal at Quezon provinces at inaasahang makatutugon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.