Tiniyak ng isang mambabatas na hindi makaaabala ang muling pagsailalim ng NCR sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa pag-aapruba sa Bayanihan to Recover as One Bill.
Ayon kay Congressman Joey Salceda, chairman ng Ways and Means ng Kamara, matagal na aniya silang nagsasagawa ng ‘remote discussions’ hinggil dito.
Dagdag pa ni Salceda, iminungkahi rin nito kay House Speaker Alan Peter Cayetano, na isahang talakayin ang stimulus bill, ito aniya’y para hindi na paisa-isa ang pagtalakay sa usapin.
Pagdidiin nito, economic recovery ang layon ng stimulus bills, kung kaya’t dapat lang na umayon ang bawat programa sa bawat isa.
Kasunod nito, inaasaang sa susunod na mga linggo ay makalulusot na ang panukala.