Kinuwestiyon ni Senate Committee on Public Services Chair Sen. Grace Poe ang implementasyon ng motor vehicles inspection system (MVIS) program ng Land Transportation Office kung saan pribadong kumpanya ang nagpapatakbo ng inspection center.
Sinabihan ni Poe si LTO Chief Asec. Edgar Galvante, kung bakit ang mga pribadong kumpanya ang pinamamahala sa motor vehicle inspection center gayung maaari naman itong gawin ng gobyerno.
Ani Poe, kung ang rason ay dahil walang pondo ang LTO may nakokolekta umano ang ahensya na “motor vehicles users charge” na umaabot sa 22 billion pesos na hindi nagastos at napunta lamang sa national treasury
Maaari aniya itong gamitin ng lto para sa pagpapatayo ng sariling MVIS para mapababa ang singil sa mga motorista na magpaparehistro.
Sa kasalukuyan sinisingil ang bawat pribadong kotse o sasakyan ng P1,500 hanggang P1,800 na dadaan sa MVIS at sakaling bumagsak magbabayad muli ng kalahati sa presyo sa pangalawang inspeksyon.