Bilang na ang maliligayang araw ng mga walang disiplinang smokers sa oras na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nationwide smoking ban.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, ang draft ng executive order ay halos kapareho ng ordinansa sa Davao City na naging kilala sa ordinansa sa mahigpit na pagpapatupad ng no-smoking policy sa mga pampublikong lugar.
Umaasa anya sila na mababawasan ang mga nagkakasakit dulot ng paninigarilyo kung ipatutupad ang naturang kautusan.
Bahagi ng pahayag ni Health Secretary Paulyn Ubial
Implementation
Kaugnay nito, sasabayan ng paglo-lobby ng Department of Health (DOH) sa Kongreso ang implementasyon ng executive order para sa nationwide smoking ban.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, kailangan ng batas upang makatiyak na maipatutupad ng pagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ipinaliwanag ni Ubial na ang EO ay isa lamang direktiba mula sa Pangulo na ipatutupad ng mga local government units.
Nakasalalay pa rin anya sa mga LGU ang pagpanday ng implementing rules and regulations at kung ano ang parusa sa sinumang lalabag nito.
Bahagi ng pahayag ni Health Secretary Paulyn Ubial
Ayon kay Ubial, bagamat bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo mula nang ipatupad ng sin tax law, nananatiling mapanganib sa kalusugan ang usok ng sigarilyo sa kahit na sinong nakakasinghot nito.
Batay anya sa datos, 50 porsyento ng kamatayan na kaya sanang pigilan ay dahil sa sigarilyo.
Bahagi ng pahayag ni Health Secretary Paulyn Ubial
By Drew Nacino | Jelbert Perdez | Ratsada Balita