Tuloy ang Implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na pinirmahan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front kahit pa bigong maisabatas ang Bangsamoro Basic Law.
Sinabi ni Government Chief Negotiator Mirriam Coronel-Ferrer na itutuloy ng peace panels ang mga programa sa mindanao na hindi mangangailangan ng lehislasyon.
Tinukoy ni Ferrer ang mga socio-economic projects na isinusulong ngayon sa mga kampo ng milf gaya ng solar power system, konstruksiyon ng mga hanging bridges na magdudugtong sa mga komunidad at water supply sytems.
Sinabi ni Ferrer na patuloy nilang tinitingnan kung ano pang mga proyekto ang maaring ibigay sa mga liblib na lugar sa maguindanao at mga lalawigan ng lanao.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)