Naghain ng resolusyon sa Kamara si Partylist Rep. Arlene Brosas na humihikayat sa Committee on Health at Committee on Transportation ng House of Representatives na magsagawa ng joint inquiry kaugnay sa implementasyon ng “No Vaccination, No Rides” policy ng Department of Transportation (DOTr).
Base sa Resolution No. 2451 na inihain ni Brosas, ipinapakita dito ang “illegal and discriminatory” sa bawat pilipino dahil sa pagbawal sa mga unvaccinated na sumakay sa lahat ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.
Ayon kay Brosas, malinaw sa Republic Act No. 11525 o mas kilala bilang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 na hindi pwedeng gawing mandatory requirements ang vaccination cards sa lahat ng educational, employment, at iba pang transaksiyon ng gobyerno.
Sinabi din ng mambabatas na ihinto na ang pagpapatupad ng mga anti-poor at anti-people policy-making schemes at lumikha nalang ang gobyerno ng mga rights-based approach na isa sa mga makakatulong para matugunan ang problema ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Angelica Doctolero