Ipinagpaliban muna ng Department of Health (DOH) ang implementasyon ng pagtuturok ng ikalawang anti-COVID-19 booster shot sa piling populasyon.
Sa mensahe ng DOH, hihintayin muna nilang matapos ang review at pinal na rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council o HTAC hinggil sa dagdag na bakuna.
Una nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng ikaapat na dose, na unang ituturok sa mga senior citizens, immunocompromised, at health frontliners.
Kailangan munang lumipas ang apat na buwan sa pagpapaturok ng unang booster shot, bago magpaturok ng ikalawa.
Sa Abril 20, pinag-aaralan ng National Vaccination Operations Center (NVOC), ang pagtuturok ng ikalawang booster shot sa National Capital Region (NCR).