Mananatiling malaking hamon para sa Pilipinas kung paano hihikayatin ang China na tanggapin ang naging ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagbabasura sa kanilang 9-dash line at nagdedeklara sa isang bahagi nito bilang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay Professor Jay Batongbakal, direktor ng UP Institute for Marine Affairs and the Law of the Seas, kumpara sa China, mas malaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa resources na maaaring pakinabangan sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.
Gayunman, kumbinsido si Batongbakal na hindi gagamit ng dahas ang China at darating ang panahon na sasang-ayon rin ito sa PCA ruling.
Bahagi ng pahayag ni Professor Jay Batongbakal
Fishermen
Dapat maghinay-hinay muna ang mga mangingisda sa pagpalaot sa bahagi West Philippine Sea.
Reaksyon ito ni Professor Jay Batongbakal, Direktor ng UP Institute for Marine Affairs and the Law of the Seas makaraang makaranas di umano ng pambubully ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisda na agad pumalaot makaraang lumabas ang paborableng ruling ng Permanent Court of Arbitration o PCA.
Ayon kay Batongbakal, sa kalaunan ay mauuwi rin ang lahat sa negosasyon at isang magandang development ang pagkakapili ng Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Pangulong Fidel Ramos upang pangunahan ang pakikipag-usap.
Bahagi ng pahayag ni professor Jay Batongbakal
By Len Aguirre | Ratsada Balita