Lilimitahan na ang oras ng operasyon ng lahat ng provincial bus na dumaraan sa EDSA, simula sa Agosto 1.
Ito, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Jojo Garcia, ay sa gitna ng matinding traffic na idinudulot ng kaliwa’t kanang road repair at konstruksyon ng ilang infrastructure project.
Kabilang dito ang North Luzon Expressway Drainage Enhancement Project sa A. Bonifacio Road; konstruksyon ng elevated guideway para sa MRT-7 sa North Avenue; emergency leak repair sa EDSA-Shaw Boulevard at replacement ng Buendia Bridge.
Bawal dumaan sa North at Southbounds ang mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA mula Pasay hanggang Cubao sa Quezon City simula ala 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at ala 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes lamang.
Samantala, magsasagawa ang MMDA ng dry run sa July 23 o 24 upang mabatid ang mga posibleng maging epekto ng bus ban sa daloy ng trapiko sa EDSA.
—-