Itinuturing na matagumpay ng Department of Education o DepEd ang unang dalawang taong implementasyon ng senior high school.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nasa mahigit isa’t kalahating milyong mga estudyante ang nag-enroll sa Grade 11, doble ng bilang na inaasahan nilang enrollees.
Dagdag pa ni Briones, nakapagbigay ang DepEd ng libreng edukasyon o hindi kaya ay malaking subsidiya sa halos tatlong milyong mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan para sa School Year 2017-2018.
Giit pa ni Briones, ang tagumpay sa pagpapatupad ng SHS program ay naging posible dahil sa “commitment” ng Duterte administration sa nasabing programa.
—-