Wala ng urungan ang implementasyon ng smoking ban sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na aasahan nila na magiging masigasig ang mga Local Government Units para seryosong maipatupad ang smoking ban sa mga pampublikong lugar.
Nakasalalay aniya sa epektibong implementasyon ng mga LGU’S ang tagumpay ng kampanya laban sa mga pasaway na naninigarilyo.
Maaari aniyang i-tap ang serbisyo ng mga traffic enforces, mga pulis at mga barangay tanod para mahuli ang mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Tayag na inaasahan nilang hindi agad ma-perfect ang unang araw ng implementasyon lalo pa at buong bansa ang sakop ng smoking ban.
By: Aileen Taliping
Implementasyon ng smoking ban wala na umanong urungan was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882