Ibinasura ng Malacañang ang plano ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na huwag munang ipatupad ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos isiwalat ni PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales sa isang pagdinig sa Kongreso na mayroong pangangailangan para magkaroon ng “general delay” ng full implementation ng batas.
Giit ni Morales, inaasahang malulugi ng P40.7-bilyon ang PhilHealth mula Pebrero nang taong 2020 hanggang Enero nang susunod na taon dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Subalit binigyang diin ni Roque na hindi maaaring maantala ang implementasyon ng UHC Act dahil labag ito sa itinatakda ng batas.