Nananawagan ang World Health Organization o WHO para sa pagpapatupad ng vaccine booster moratorium bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.
Binigyang diin ni WHO country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na hanggang ngayon ay wala pang matibay na ebidensya na kailangan na ng booster shots.
Layunin ng nasabing moratorium na bigyan ng pantay na alokasyon ng COVID-19 vaccines ang bawat bansa.
Binigyang diin ng WHO na kung hindi matutugunan ang vaccine inequity ay tataas pa ang bilang ng mahahawaan ng virus na magreresulta sa mas marami pang mutations at variants.—sa panulat ni Hya Ludivico