Aprubado na ang 20 pisong dagdag kada araw sa sweldo ng mga minimum wage earners sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa BARMM –Bureau of Public Information (BPI), magsisimula ang implementasyon ng dagdag sahod ngayong buwan.
Mula sa P280 kada araw ay magiging P290 hanggang P300 na ang arawang sweldo ng mga manggagawa.
Dagdag pa nito, hindi kasama sa dagdag sahod ang mga empleyado ng mga rehistradong barangay micro business enterprises at mga personal na nagseserbisyo sa ibang tao katulad ng family driver.
Samantala, binalaan din ng BARMM-BPI ang mga employers na hindi magpapatupad ng dagdag sahod na mayroon itong kakaharaping kaukulang parusa.