Tiniyak ng AirAsia Airline Company na hindi mararamdaman ng mga biyahero ang implementasyon ng fuel surcharge bunsod ng tumataas na presyo ng jet fuel sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni AirAsia spokesperson Steve Dailisan, na patuloy nilang ihahatid sa kanilang mga costumer ang mga promo upang mas mapataas ang travel demand at mapanatili ang abot kayang biyahe para sa mga Pilipino.
Sinabi din ni Dailisan na malaking hamon man sa kanila ang resumption o pagbabalik sa international flights, patuloy paring tumataas ang bilang ng mga pasaherong nagbu-book para sa kanilang biyahe papunta sa ibang bansa.