Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementation plan para sa national program on family planning.
Layon ng programa na bigyan ng access ang nasa 11.3 milyong babaeng Pilipino sa modern contraceptives sa susunod na apat na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, target ng naturang programa na mailayo ang nasa apat na milyong babae na wala sa planong pagbubuntis at dalawang milyong kaso ng aborsyon.
Dahil dito, inaasahang magreresulta umano ito ng pagbaba sa 14% ng fertility rate sa bansa pagsapit sa 2022 mula sa 20% sa kasal.