Pirmado na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Act.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, noong Lunes.
Ayon kay Panelo, ang IRR ng Rice Tariffication Law ang lilikha sa isang rice industry road map na layuning paunlarin ang nasabing sektor.
Ang IRR ay nilagdaan ng National Economic and Development Authority at Department of Budget and Management habang nakabinbin ito sa legal department ng Department of Agriculture.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Law, aalisin na ang import restrictions sa bigas upang mapababa ang presyo nito sa pamilihan.
—-