Dapat pa ring pag-aralan ang implikasyon kung tuluyang ipagbabawal na ang pagbibigay ng homework sa mga mag-aaral sa grade school.
Reaksyon ito ng Department of Education (DepEd) sa mga panukalang batas hinggil sa no homework policy sa layuning mas mahaba umano ang quality time ng pamilya.
Ayon kay DepEd undersecretary Annalyn Sevilla, matagal nang may polisiya ang DepEd na nagbabawal sa pagbibigay ng homework subalit tuwing weekend lamang.
Kailangan nating tingnan ng maigi o mabuti kung ano ang magiging implication nito both sides. I think ang kailangan natin ditto ay magstrike tayo ng balance para maging neutral. Tignan natin, kasi sometimes, kapag naman ho masyado tayong maluwag, like for example nga sasabihin na wala ng homework talaga, e, ano ho bang magiging effect nito sa mga bata lalo na yung mga hindi naman ho… I think this is understandable for younger levels from kinder to grade 6, talagang mga bata pa po sila,” paliwanag ni Sevilla.
Ratsada Balita Interview