Makakatanggap ng dalawang milyong pisong pabuya ang isang importante na naging susi upang madakip si dating Dinagat Islands congressman at cult leader Ruben Ecleo Jr.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Maj. Gen. Debold Sinas, galing pa ng Dinagat Islands ang impormante at pumunta ng Maynila para ipagbigay-alam ang kinaroroonan ng dating kongresista.
Bago naaresto, labing-apat na taong nagtago sa batas si Ecleo matapos patawan ng 31 taong pagkakabilanggo ng Sandiganbayan dahil sa mga kasong graft noong 2006.
Noong 2012 ay napatunayan ding guilty si Ecleo ng Cebu City Regional Trial Court sa kasong parricide dahil naman sa pagpatay sa kanyang misis na si Alona Bacolod-Ecleo noongh 2002.