Nanindigan ang Philippine National Police na kinakailangan na dumaan sa approval ng nakatataas ano man ang impormasyong hilingin ng mga mag iimbestiga mula sa United Nations.
Kasunod ito ng paghikayat ni Iceland Foreign Minister Gudlaugur Thor Thordarson sa Pilipinas na payagan ang UN na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, sumusunod sa protocol ang pambansang pulisya bago magbigay ng anomang impormasyon na may kaugnayan sa national security.
Una nang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis at mga sundalo na huwag papansinin ang ano mang imbestigasyon na gagawin ng UN sa drug war ng bansa.