Tinanggal na ng Department of Agriculture ang ban sa pag-aangkat ang anumang produkto mula sa manok at wild birds
Ito ay dahil sa naging pahayag ng World Organization for Animal Health kung saan naresolba na ang kaso ng highly Pathogenic Avian Influenza mula sa dubios (dubwa) county sa Indiana sa Amerika.
Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, batay sa isinagawang pagsusulit ng Bureau of Animal Industry, malabo na ang posibleng kontaminasyon sa pag-aangkat ng manok mula sa nasabing lugar.
Gayunman, sinabi ni Alcala na kahit inalis na ang ban, kailangan pa ring isailalim sa regulasyon ng Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service ang mga inaangkat na manok buhay man o karne, sisiw, itlog o semilya man nito.
By: Jaymark Dagala