Ngayon lamang napagtanto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng testing sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ang inamin mismo ni Pangulong Duterte sa pagharap sa publiko para sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, matapos ang halos 9 na buwan ng pagsasailalim sa community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon sa punong ehekutibo, ito ang dahilan kaya naghahanap na siya ng paraan upang gawing abot-kaya ito.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte, ang Department Of Health (DOH) na pag-aralan kung paano maipagkakaloob ang libreng COVID-19 test sa mga pampublikong health facilities sa bansa.
Sinabihan din ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na pasimulan ang libreng COVID-19 test sa ika-2 bahagi ng taon.
Alam mo ang importante pala, sa totoo lang, I realized is the tesing ,’yung swabbing, ‘yung test kasi mahal ,I am trying to figure out a cheaper way of doing it, I will discuss with Secretary of health and General Galvez how to come up with a cheaper swabbing and testing kasi magbayad ng mahal lalo na sa airport,″ pahayag ni Pangulong Duterte.