Iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na napakahalaga ng ROTC o Reserve Officers Training Corps sa paglikha ng grupo ng mga reserbang tauhan na tutulong sa panahon ng kalamidad at mga posibleng umanib sa pwersa ng sandatahang lakas.
Sa programang “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni Lorenzana na binubuo ng reserve officers na galing ROTC ang 75 porsyento ng officers corps.
Dagdag pa ni Lorenzana, kailangang magkaroon ng malaking reserba ng mga tauhan na nakakaintindi ng mga direktiba at disiplina na maaaring magamit sa mga di-inaasahang pagkakataon.
Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim na, sa pagpapanumbalik ng ROTC sa Grades 11 at 12, hindi na mangyayari ang hazing, pamemera, at iba pang kalokohan na nagbigay ng masamang reputasyon sa ROTC noon.
Pakingan: Bahagi ng Pahayag ni Sec. Lorenzana sa BNSP ng DWIZ
By: Avee Devierte