Tataasan pa ngayong taon ang importasyon ng baboy sa Pilipinas.
Ayon sa UN Food and Agriculture Organization (FAO), dadagdagan ng 2.71% kada taon ang pag-angkat ng karne para mapunan ang 340,000 metriko toneladang pagkalugi.
Nakikita naman ng FAO na posibleng bumaba sa 3% o 341,000 tons ang produksyon ng baboy bunsod ng epekto ng African Swine Fever.
Sa huling datos, umabot na sa 1.531 mmt ang total pig utilization sa bansa mula 1.518 mmt.