Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi magdadagdagan ang inaangkat na bigas ng pilipinas sa kabila ng nakaambang pagdedeklara ng food security emergency on rice dahil sa mataas pa ring presyo ng bigas.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na sa halip ay uudyukan nila ang mga negosyante na gawing patas at katanggap-tanggap ang presyo ng nasabing produkto, habang pinapanatili rin ang kanilang profitability o kita.
Ngayong taon, inaasahang mag-iimport ang bansa ng kabuuang 5 million metric tons ng bigas.
Samantala, sinabi rin ng Kalihim na sa halip na manawagang babaan muli ang taripa sa imported na bigas, magrerekomenda na lamang siya ng hybrid rice o ibang uri ng bigas na hahaluan ng broken rice para sa mas mababang presyo.