Mahigpit na iinspeksyunin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga aangkating galunggong ng pamahalaan bago ito ibenta sa merkado.
Ito ang tiniyak mismo ni BFAR Director Eduardo Gongona kasunod ng pangamba ng grupong Pamalakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas sa posibilidad na may kemikal tulad ng formalin ang mga imported na isda.
Ayon kay Gongona, hindi nila hahayaang maibenta sa mga pamilihan sa bansa at makonsumo ng mga filipino ang mga isdang nilalagyan ng formalin.
Magugunitang noong nakaraang taon, libu-libong kilo ng mga ipinuslit na frozen galunggong mula China na ginagamitan ng kemikal na formalin ang nasabt ng mga otoridad.
Ginagamit umano ang formalin para mapigilan ang pagkabulok ng mga isda bago ilagay sa freezer.