Peke o gawa-gawa lang daw para mabigyang katuwiran ng Deparment of Agriculture (DA) ang importasyon ng 60,000 metric tons ng isda dahil umano sa supply shortage.
Ito ang inihayag ni Senator Imee Marcos kaya agad siyang nagfile ng resolusyon para imbestigahan ng senado ang DA at ang pag-isyu nito ng Certificate of Necessity to Import.
Mayroon pa anyang 35,000 metric tons ng isda mula sa importasyon noong isang taon ang nasa storage facilities habang may parating na iba pa.
Batay ito sa datos ng samahan ng mga mangingisda at fisheries inspection and quarantine division ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Mayroon ding mahigit 11,000 metric tons para naman sa mga aplikanteng importer batay sa inaprubahang importasyon nung 2021 bukod pa sa matatapos na ang closed fishing season sa unang linggo ng Marso. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)