Pinasususpinde ng isang poultry group ang importasyon ng manok sa bansa.
Ayon kay Elias Inciong, presidente ng United Broiler Raisers Association, napakadaming suplay ngayon ng manok sa bansa.
Batay umano sa weekly inventory ng National Meat Inspection Service (NMIS) nuong April 27 mayroong 78,698 metric tons na manok sa mga accredited cold storage sa bansa.
Halos pitong metriko tonelada aniyang mataas ito kumpara sa lumabas sa inventory isang linggo ang nakaraan.
Paliwanag ni Inciong, ang mataas na suplay umano ng manok na ito ay dahil sa pinagsamang local production at importasyon at ang pagbaba ng demand nito dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).
Sarado kasi umano ang mga fast food, hotel, at restaurant na 30% kumukuha sa suplay ng manok sa bansa.