Kinumpirma ng Department of Agriculture na mag iimport ang Pilipinas ng mga pulang sibuyas.
Ito ay para mapunan ang halos dalawang buwang production gap na magtatagal hanggang sa kalagitanaan ng Pebrero.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, gagawin ang importasyon hanggang sa dumating ang panahon ng anihan.
Ang sibuyas na puti ay karaniwang inaani tuwing Enero samantalang ang pula naman pagsapit ng Marso.