Pinag aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag angkat ng pulang sibuyas upang mapababa ang presyo nito sa merkado.
Kasunod ito ng report na umaabot sa P160 ang kilo ng pulang sibuyas mula sa dating P100 samantalang P100 kada kilo naman ang puting sibuyas mula sa P60.
Ayon kay DA spokesman Assistant Secretary Noel Reyes, pinatitingnan na kung mayroon pang mga naka imbak sa warehouses ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Kung wala na aniya, maaring irekomenda ng BPU sa DA na atasan silang mag import ng pulang sibuyas.
Hindi na anya kelangan ng import clearance para sa puting sibuyas dahil may umiiral na nito.
Nuong Marso, sinuspindi ng DA ang pag angkat ng mga sibuyas dahil sa di umano’y monopolyo o cartel sa operasyon nito.