Hindi na opsyon ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng sibuyas.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Rex Estoperez, tagapagsalita ng DA bilang solusyon upang maiwasan ang pag-iimbak habang papalapit ang panahon ng anihan.
Ayon kay Estoperez, pinipigilan nila ang rekomendasyong mag-import ng mga sibuyas sa kabila ng kakulangan sa suplay at mataas na presyo.
Inaasahan kasi ng DA ang maagang pag-aani ng sibuyas ngayong buwan, habang ang buong pag-aani ay makikita sa Pebrero.