Mas mabenta ang imported na bawang kaysa lokal na bawang.
Batay ito sa monitoring ng Department of Agriculture na nagsabing mas mura ang imported garlic na nasa P80 kada kilo kumpara sa P300 na presyo ng lokal na bawang.
Sa paglilibot ng agriculture department sa 13 malalaking wet markets sa Metro Manila, pumapalo sa P100 hanggang P130 ang kada kilo ng imported na bawang.
Kasabay nito , tiniyak ng D.A. na babaha na sa merkado sa Abril ang halos 4,000 metriko tonelada ng bawang mula sa 22 garlic producing towns ng Ilocos Region na top growers ng bawang.