Tumaas na rin ang presyo ng imported na de lata at gatas sa gitna ng patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar.
Batay sa Suggested Retail Price list ng Department of Trade and Industry, naglalaro lamang sa P13.25 hanggang P19.58 ang kada 155 grams ng sardinas.
Gayunman, halos triple na ang presyo ng imported sardines na nasa P75 hanggang P90 na.
Aabot naman sa P64.75 hanggang P73.30 centavos ang kada 150 grams ng local powdered milk habang P90 ang imported.
Samantala, nagpatupad ng price freeze ang DTI sa anim na lugar na lubhang napinsala ng bagyong Karding, kaya’t hindi maaaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa loob ng dalawang buwan.
Kabilang dito ang buong Nueva Ecija; Dingalan, Aurora; San Miguel, Bulacan; Macabebe, Pampanga; General Nakar, Patnanungan, Panukulan, Polillo, Burdeos at Jomalig, Quezon.