Nagbabala sa publiko ang Department of Agriculture laban sa pagbili ng mga imported na gulay mula sa China.
Ayon kay agriculture secretary William Dar, hindi nakasisiguro kung ligtas ang pesticide na ginagamit sa mga imported na gulay na ito.
Kaya aniya ang pinaka-magandang gawin ay iwasan ang pagbili nito lalo’t ibinebenta ngayon umano ang mga imported na gulay na ito sa ilang lokal na pamilihan.
Ani Dar, matutukoy ang imported na gulay sa size nito, karaniwan kasi aniyang malaki ang diperensya ng laki ng imported na gulay mula sa lokal na pananim.
Ipinabatid din ni Dar na kaniyang inatasan na ang Bureau of Plant Industry na suriing mabuti ang mga imported na gulay na ito mula sa China upang matiyak na ligtas ang mga consumer na bibili nito.