Nalulugi na ang mga maggugulay sa Cordillera Region.
Ayon ito sa Apit Tako Kordilyera o ang Alyansa Dagiti Pesanta Ti Taeng Kordilyera matapos anitong dumagsa ang mga puslit na imported vegetables sa merkado.
Sinabi ni Fernando Bagyan, kinatawan ng grupo, na maraming buyers ang hindi nakakaakyat para sana bumili ng mga gulay kaya’t marami rin sa mga ito ang nabubulok na lang o ipinamimigay tulad ng carrot, repolyo at broccoli, dahilan kaya’t nalulugi ang mga manggugulay.
Kalahati ng aning gulay ng Cordillera ay dinadala sa Metro Manila.