Binigyan ng Department of Agriculture (DA) ng ultimatum ang mga lisensyadong importer ng pula at dilaw na sibuyas upang makumpleto ang kanilang shipment sa bansa.
Simula ngayong araw ay mayroon na lamang silang hanggang January 27 o 15 araw upang kumpletuhin ang kanilang kargamento.
Para mapigilan ang pagtaas ng presyo sa lokal na merkado, nag-angkat ang DA ng kabuuang 21,060 metric tons ng sibuyas kabilang ang 17,100 metric tons ng pulang sibuyas at 3,960 naman sa dilaw na sibuyas.
Isinagawa ang importasyon bago ang anihan ng sibuyas na nakatakdang magsimula ngayong buwan.
Samantala, dahil sa ipinatutupad na mahigpit na monitoring ay maaari lamang pumasok ang mga kargamento sa Manila-South Harbor, Ports ng Subic, Davao, Cebu at Cagayan de Oro. – sa panulat ni Hannah Oledan