Kinontra ng Malakanyang ang inilabas na ulat ng Committee to Protect Journalist o CPJ kaugnay sa impunity index kung saan, pang-lima ang Pilipinas sa mga pinaka – delikadong bansa para sa mga mamamahayag.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bumaba pa nga ang ranking ng Pilipinas mula sa dating nasa ika-apat na puwesto noong isang taon, nasa ika-limang puwesto na ngayon.
Dahil dito, sinabi ni Andanar na malaking development aniya ito dahil unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng Pilipinas para sa mga mamamahayag kumpara noong nakalipas na administrasyon.
Magugunitang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kauna-unahang nagtatag ng Presidential Task Force on Media Security sa ilalim ng Administrative Order No. 1 na siyang tututok sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.