Papayagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang in-person christmas parties sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2.
Ito ay ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, kailangan sundin ang 50% venue capacity at ang mga ipinatutupad na health protocols.
Maaari rin aniya ang karagdagang 10% sa mga mayroong safety seal pero kailangan sundin ang minimum health standards gaya ng pagsusuot ng facemask at physical distancing.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Malaya ang mga establisyimento na kung hindi susunod sa mga naturang protocols ay maaaring suspendihin ang kanilang business permits.
Manananatili naman ang Metro Manila sa ilalim ng alert level 2 hanggang sa a 15 ng Disyembre.