Nananawagan ang private education sectors sa Department of Education (DEPED), kaugnay sa pagpapahintulot ng face-to-face classes.
Ayon kay Joseph Noel Estrada, Managing Director ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), kinakailangan nang maibalik ang in-person classes upang muling sumigla at makabangon mula sa mga nawalang kita ang mga pribadong paaralan.
Humihingi rin ng suporta ang COCOPEA mula sa Commission on Higher Education (CHED) para sa unti-unting pagbabalik sa paaralan ng Higher Education Institutions (HEI’s).
Dagdag pa ni Estrada, patuloy na naghahanda ang mga Private Education Institutions para sa expanded phase ng physical classes alinsunod sa guidelines na itinakda ng DEPED, Department of Health at ng IATF sa pamamagitan ng school safety assessment tool. —sa panulat ni Mara Valle