‘Kailangan na talagang mag face to face classes, tatlong taong galos ng COVID-19 pandemic.
Ito’y ayon kay Eleazardo Kasikag, Pangulo ng Federation of Associations of Private Schools and Administrators (FAPSA) dahil tila sawa na ang mga estudyante at mga guro sa online classes.
Gayunman, inihayag ni Kasilag na kakaunti na lang ang mga estudyante sa private schools at marami na sa mga myembro nila ay nagsara na rin.
Nagpapasalamat naman aniya sila kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mag online classes pa rin.
Kasabay nito, sinabi ni Kasilag na pabor sila sa optional indoor wearing ng facemask ng mga estudyante para na rin sa kanilang proteksyon bagama’t may mga pagkakataong kung recitation ay kailangan talagang alisin ang facemask.