Sinuportahan ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Disease o IATF ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan para sa basic education.
Ito ang inanunsyo ni acting presidential spokesperson Martin Andanar, pero hindi aniya dapat na gawing requirement ang COVID-19 vaccination para sa in-person classes.
Dagdag pa niya, nanawagan ang IATF sa mga pampublikong paaralan na pahintulutan ang Department of Health (DOH) na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units, na pangasiwaan ang COVID-19 vaccination programs sa loob ng kanilang lugar.
Maaari namang makipag-ugnayan ang mga pribadong paaralan sa gobyerno para sa pagsasagawa ng bakunahan sa mga mag-aaral.
Samantala, sinabi ng opisyal ng Palasyo na ang inoculation program ay dapat gawin nang may pahintulot ng mga magulang o tagapag-alaga at ng mga mag-aaral.