Suportado ni Vice President elect Sara Duterte ang planong pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto.
Pero aniya, magsasagawa pa sila ng pagpupulong ni Education Secretary Leonor Briones sa Sabado, June 25.
Dagdag pa ni Duterte-Carpio na makikipag-ugnayan din siya sa iba pang mga stakeholders kaugnay sa naturang usapin.
Nabatid na nasa 38,000 na mga paaralan ang handa na sa in-person classes sa naturang buwan.