Pinapayagan na rin ng Department of Education (DEPED) ang pagsasagawa ng In-Person End-of-School-Year (EOSY) para sa mga paaralang nasa ilalim ng alert level 1 at 2.
Sa inilabas na pahayag ni Education Secretary Leonor Briones, nakadepende ito sa patuloy na pagbaba ng mga kaso at restriksyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Para sa mga paaralang nasa ilalim ng alert level 3, 4 at 5, magiging online pa rin ang EOSY.
Sa June 27 hanggang July 2 magaganap ang EOSY kasunod ng pagtatapos ng school year sa June 24. – sa panulat ni Abby Malanday