Nanawagan sa Department of Education (DepEd) ang grupo ng mga guro na suspendihin muna ang in-school activities sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol.
Ayon kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers, kailangang pagtuunan ng pansin ng DepEd, DPWH at LGUs ang mga naapektuhang paaralan lalo na’t nalalapit na ang pagbubukas ng face-to-face classes.
Ang mga gawaing dapat munang isantabi ay ang physical enrollment at remedial classes.
Una rito, sinabi ni DepEd Spokesperson Michael Poa na ilang paaralan sa Abra ang nakitaan ng bitak matapos tamaan ng lindol.
Wala namang naitalang casualties ang DepEd sa kanilang mga guro, mag-aaral at staff nang maganap ang pagyanig