Nagpositibo rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ina at kasintahan ng kauna-unahang kaso ng UK COVID-19 variant sa bansa.
Ito mismo ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Maria Rosario Vergeire sa kanyang online briefing ngayong Miyerkules.
Aniya, ipinadala na sa Philippine Genome Center ang resulta ng pagsusuri sa dalawa upang matukoy kung kapwa positibo ito sa UK variant ng coronavirus.
Malalaman naman aniya ang resulta sa naturang pagsusuri, pinakamaaga, sa darating na Huwebes ng gabi o umaga na ng Biyernes.
Samantala, anim na lamang sa 213 na nakasalamuha ng unang UK COVID-19 variant case ang tine-trace pa ng mga otoridad, habang ang mga nalalabi ay na-test na sa COVID-19 at naka-isolate na. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)