Malakas umano ang ebidensya na maaaring maipasa ng isang ina na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol.
Ito ay batay pag-aaral ng mga mananaliksik sa Italya kung saan nasa 31 buntis na may COVID-19 ang kanilang inobserbahan.
Nakita umano sa mga buntis na ito ay ang virus sa kanilang placenta, umbilical cord, maselang bahagi ng katawan at maging sa breast milk.
Dahil dito, lumalabas na malaki ang tyansa ng isang buntis na positibo sa COVID-19 na maipasa niya ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol.