Gigil na sumulat sa kumpanya ang isang ina matapos mamatayan ng 26-anyos na anak dahil sa “excessive workload,” kung saan nilahad niya ang toxic work culture at ang hindi pagdalo ng mga ka-trabaho sa burol ng anak.
Ano nga ba ang hinaing na isinulat ng nanay sa kumpanya?
Tara, alamin natin yan.
Ikinalungkot ni Anita Augustine ang pagkamatay ng kanyang anak na si Anna Sebastian Perayil, na nagtatrabaho bilang isang chartered accountant sa accounting firm na Ernst & Young (EY) sa Pune, India.
Ayon sa kaniya, si Anna ay pumasok sa kumpanya noong March 19, ngayong taon, bilang isang executive na may full of life, dreams, at excitement para sa kanyang future, ngunit ng dahil sa workloads, new environment, pressure at long hours o overtime naapektuhan ang physical, emotional, at mental health ng kaniyang anak na naging dahil upang mabawian ito ng buhay sa murang edad at wala ni isa sa mga ka-trabaho ang dumalo sa libing ng kaniyang anak.
Si Anna ay namatay dahil sa chess constriction mula sa kakulangan sa tulog at pagkain sa hindi tamang oras.
Kaugnay ng pangyayari, nanawagan ang nanay ni Anna sa kumpanya na panahon na upang baguhin ang work culture at iprioritize ang health at well-being ng bawat empleyado.
Sapagkat, nakasaad sa Labor Law na ang normal na oras ng pagtatrabaho ng sinumang empleyado ay hindi lalampas sa walong (8) oras sa isang araw.
Sa panig naman ng EY India, nag-alay ang kumpanya ng “deepest condolences” sa pamilya ni Anna. – sa panulat ni Elaine Dimalanta